Rapstar Lyrics – Flow-G

Rapstar Lyrics by Flow-G is a Newly released song. Rapstar Lyrics are written by Flow-G while the song is produced by Jin Chan, Madeindvn & Flip-D. The song was published in December 31, 2022.

Rapstar Lyrics

Rapstar Song Details:

Song: Rapstar
Singer(s): Flow-G
Produced by: Jin Chan, Madeindvn & Flip-D
Written by: Flow-G
Label(©): Flow-G
Release Date: December 31, 2022

Rapstar Lyrics

‘Di niyo na pwede masisi kung ba’t gan’to
Ginaganapan ko lang na natural
Tsaka inagapan ko na mautal
Nilaban, sinugal, ginapang, minahal
Natagalan natutunan ko na tumagal
Tsaka alam ko naman na inaabangan
Na sana tabangan ‘yung papakawalan para ‘di naabangan
Kaso nga lang palaban na batang Alabang
Kinalakihan na galingan nang galingan
Kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin
‘Di ko namalayang na malayong-malayo na pala
Na ‘yung narating pati ako napaling
Mga naniwala ‘di ko pwedeng biguin
‘Di ko pwede pakitaan na bitin
Mga tenga na kailangan busugin ko pa din
Kahit kabisado na kilitiin

Alam ko na may mata na nagbabantay
Kung pa’no ako sasablay, matyagang nag-aantay
Kung kailan ako tatamlay at lalaylay
‘Yung mga laway na laway na makita ako na mahina
Umay na umay na manira, ngalay na ngalay na manghila
Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay
Nung napasarap mag-rap ang daming nagbago
Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao
Daming nagtulak sa’kin palaging maging ganado
Palaging plakado, ‘pag gumalaw palaging planado

Daming pasabog kailangan, ‘pag malawak ang sakop
Ikaw din ang talo sa laban, ‘pag nabalot ng takot
Kung sa’n ka aabot, hakutin lahat nang mahahakot
‘Yung dami ng pagod ay may sukli, ‘pag ‘di ka madamot
At kung hindi ko tyinaga baka nauwi na sa wala
Ganito pala ‘to kalala, kita mo naman ang napala
Pa’no kung hindi ko ginawa, ‘yung iba ‘di makahalata
Malaki na ang nakataya, marami na pwede mawala
Kaya ‘di na pwede pabaya, hindi pwede puro mamaya
Baka sa huli mapahiya, totoo na parang himala
Nagsimula sa ibaba, tiningala, matagal ko din ‘yang kinapa
[?] na marami pang nagdududa, pero kilos ang inuuna
Ngayon kita mo namumunga, tumutubo na
Naparami kung nakukuha pero ‘di pa rin nalulula

Ta’s sa ugali wala pa ring binago
Tao pa rin ‘pag humaharap sa tao
Pero ‘pag usapang rap, paiba-iba ‘ko
Literal na may bago kang aabangan
Sa tuwing may ilalabas na bago

‘Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi
Para mas lalo sila ganahan, ‘di ‘yung mga bago ko hanapin
‘Yung iba naman nababawan pero ‘di na para atupagin
‘Di kasi nila maunawaan na ‘yung bulsa ko pinapalalim
Kahit papa’no naman naganapan ko paunti-paunti
Gumalaw ng pino, hindi maitatanggi
Iba din nalaking munti, tila may anting-anting sa galing
Himala ‘yung kuting ay naging kambing
Sa dami ng hinain na putahe
Pwedeng akalain malaking canteen
‘Yung iba nakahalata na sa pang-anim na plaka
Nagiging malala bigla, lalo ‘pag babaliktad na binasa
Bago magawa ang ‘di ko pa nagagawa maiba lang ang lasa
Para maipakita ko na ‘di ako gumagawa nang basta-basta

Ngayon lalo pang nananabik
Kasi meron nang bumabalik
Gagawin ko pa rin nang gagawin
Ngayon sa’n pa kaya ako nito dadalhin

Subok na subok na ‘yung lagi niyong sinusubok ‘to
‘Yung mga nanubok [?] lumusok [?]
‘Eto na ngayon ‘yung mga sinabihan niyong gunggong
Sa tuktok na kami tumutungtong,
‘eto ‘yung hindi niyo matutunton
Tsaka ramdam niyo na rin na
Pataas kami nang pataas
Kada labas kahit hindi madalas,
Palakas pa rin nang palakas
Sa’min na ‘tong palabas, mabanas
Kayo nang mabanas
Pagka-usapang ‘Pinas,
Pasok kami d’yan hindi na mapapalabas
‘Wag ka na magtaka, ba’t nangyari at papa’no
Kasi kitang-kita niyo naman, malinaw pa sa klaro
Sarili na lang ang tinatalo, oo, wala nang iba
Halata kasi nga nung ‘yung uso naiba
Oh, ‘di ba ‘yung iba nabura

Rapstar Song Video

Hope You Liked the Post, If You Found Any Mistake in Lyrics kindly Submit Us With the Correct Lyrics! Thanks for visiting us!